DOLE nagbigay ng P15.6 milyong ayuda sa 4K manggagawa sa Rizal
MANILA, Philippines — Aabot sa P15.6 milyong ayuda ang ipinagkaloob ng Department of Labor and Employment sa halos 4,000 manggagawa sa informal sector sa lalawigan ng Rizal.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, kabilang rito ang P12.9 milyon para sa benepisyaryo ng emergency employment program ng DOLE.
Nasa P2.7 milyon naman na halaga ng livelihood assistance ang ibinigay sa mga tindera sa lansangan.
Kabilang sa tinanggap ng mga vendor ang kariton na paglalagyan ng mga paninda bilang dagdag sa kakarampot nilang kita.
- Latest