^

Probinsiya

Nene, dalagita patay sa sunog

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

GUINAYANGAN, Quezon, Philippines — Patay ang isang 4-anyos na babae at kapitbahay na dalagitang nakitulog lang nang masunog ang nasa 38 kabahayan sa Barangay Manggagawa ng bayang ito, kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang dalawang nasawi na sina Melissa Joy dela Cruz, 4, at Michaela Abellanosa, 15.

Lumalabas sa paunang imbestigasyon ng Guinayangan BFP na nag-umpisa ang sunog sa bahay ng mga Dela Cruz, ala-1:30 ng madaling araw.

Nabatid na madalas umanong sinasamahang matulog ni Abellanosa si Dela Cruz sa kanilang bahay dahil gabi-gabi ay umaalis ang kanyang mga magulang upang kumuha ng isda sa Calauag.

Ayon sa BFP, mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing 37 bahay dahil gawa lamang sa light materials. May teorya ang imbestigador na tulog na ang dalawa nang maganap ang insidente.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with