^

Probinsiya

Militar vs NPA: 2 rebelde todas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Militar vs NPA: 2 rebelde todas
Sa ulat, dakong alas-10:45 ng umaga habang nagsasagawa ng combat operation ang tropa ng 83rd Infantry Battalion ng 9th Infantry Division ng Philippine Army sa naturang lugar nang masagupa nila ang tinatayang 20-kasapi ng mga NPA.Umabot umano ng hanggang 30-minuto ang palitan ng putok hanggang patay na bumulagta ang dalawang kadre kaya napilitang tumakas ang mga komunista.
STAR/File

SANGAY, Camarines Sur, Philippines — Patay ang dalawang kasapi ng New People’s Army (NPA) matapos na makaengkuwentro ang mga sundalo ng Philippine Army sa bulubunduking lugar ng Brgy. Bongalon ng bayang ito kahapon ng umaga.

Naibaba na sa bayan at kinikilala na ang dalawang napaslang na kadre habang patuloy na tinutugis ang kanilang tumakas na mga kasamahan na pinaniniwalaang may mga sugatan pa.

Sa ulat, dakong alas-10:45 ng umaga habang nagsasagawa ng combat operation ang tropa ng 83rd Infantry Battalion ng 9th Infantry Division ng Philippine Army sa naturang lugar nang masagupa nila ang tinatayang 20-kasapi ng mga NPA.Umabot umano ng hanggang 30-minuto ang palitan ng putok hanggang patay na bumulagta ang dalawang kadre kaya napilitang tumakas ang mga komunista.

Maliban sa naiwang dalawang bangkay, na­rekober pa ng mga sundalo ang dalawang M14 rifle, dalawang M653 rifle, walong M16 armalite rifle, mga bala, magazines, pulang bandila ng NPA at personal na kagamitan ng mga komunista.

vuukle comment

AFP

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with