^

Probinsiya

Indian, 3 pa timbog sa P.4 milyong shabu

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Arestado ang isang Indian national at tatlong kasama nito matapos silang maku­hanan ng may P.4 mil­yong halaga ng shabu sa buy-bust operation na ikinasa ng Bacoor City Police kamakalawa ng gabi sa Brgy. Molino 2.

Kinilala ng pulisya­ ang mga suspek na sina Nanu Singh, 29-anyos, Indian national, na nakatala sa “Street Level Indivi­dual” ng pulisya; Conrado Luy Jr., 47; Marjorie Estupin, 31, online seller­, at  Ernesto Bacojo, 46, cons­truction worker; pawang­ taga-Brgy. Molino 2 ng nasabing lungsod.

Sa ulat, alas-11:15 ng gabi nang ilatag ng Drug Enforcement Unit opera­tives ng Bacoor Police kasama ang grupo ng Phi­lippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA) ang ope­rasyon laban sa India­nong suspek na siyang target ng operasyon.

Pagdating sa lugar ng mga suspek, agad isinagawa ang buy-bust nang magpositibo at magpa­litan ng droga at bayad, dito na agad pinaligiran ng grupo ang mga suspek.

Narekober sa mga nadakip ang isang large size na plastic na naglala­man ng aabot sa mahigit kumulang sa 60 gramo ng shabu na nagkaka­halaga ng P408,000, buy-bust money at ‘di pa ma­lamang halaga ng pera.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with