^

Probinsiya

P250 milyon taklobo nakumpiska ng PCG sa Palawan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
P250 milyon taklobo nakumpiska ng PCG sa Palawan
Kinilala ang mga suspek na responsable sa pag-iingat ng mga taklobo na sina Eulogio Josos Togonon, Totong Josos, Nonoy Guliman, at Vilmor Pajardo na kapwa mga residente ng Barangay Iraray, Sofronio Espaniola, Palawan. Gayunman, si Togonon lamang ang naaresto sa operasyon.
AFP

MANILA, Philippines — Nakumpiska ng mga tauhan ng Phi­lippine Coast Guard (PCG) ang nasa 150 tonelada ng mga “taklobo” o giant clam shells sa King’s Paradise  Island Resort, Barangay Panitian, Sofronio Espaniola, Palawan noong June 28 na umabot ng P250 milyon.

Kinilala ang mga suspek na responsable sa pag-iingat ng mga taklobo na sina Eulogio Josos Togonon, Totong Josos, Nonoy Guliman, at Vilmor Pajardo na kapwa mga residente ng  Barangay Iraray, Sofronio Espaniola, Palawan. Gayunman, si Togonon lamang ang naaresto sa operasyon.

Nasa kustodiya na ng mga opisyal ng  Barangay Panitian ang mga nakumpiskang taklobo habang dinala naman sa Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) para sa  inquest proceedings at pagsasampa ng kaukulang kaso si Togonon.

Mahaharap ito sa paglabag sa “Wildlife Resources Conservation and Protection Act.”

Ang pagkakadiskubre ng taklobo ay sa pamamagitan ng sanib puwersang pagsisikap ng PCG Intelligence Group – Palawan, PCG Station Brooke’s Point, DF-332, Naval Intelligence and Security Group – West, PCSD, at PNP – Maritime Group.

vuukle comment

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with