^

Probinsiya

5 nasabat sa pagdadala ng mga armas, droga

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MAGUINDANAO, Philippines — Lima katao ang nasabat ng mga otoridad at nasamsaman ng iba’t ibang armas at droga sa Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao kamakalawa.

Kinilala ang mga naaresto na sina Benjar Rajahpandalat, Datu Pong Mohammad, Pogi Abdullah, Theng Kiladan at Said Nanding.

Ang lima ay lulan ng isang kulay itim na Toyota Hilux (DAJ 9972) at isang kulay asul na XRM (MC 3669 LK) nang maharang ng pinagsanib na puwersa ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion, 1st Mechanized Battalion at Mamasapano Police dakong ala-1:00 ng hapon.

Ayon kay Lieutenant Colonel Benjamin Cadiente Jr., commanding officer ng 33-IB, nakuha ng tropa ng mga sundalo sa mga suspek ang isang 5.56mm M16 rifle (Bushmaster), dalawang caliber .45 pistol, mga drug paraphernalia, magazines, bala at iba pa.

Agad namang pinuri ni Major General Juvymax Uy, commander ng 6th Infantry Division at Joint Task Force (JTF) Central ang mga tauhan sa pagkakadakip ng mga suspek.

vuukle comment

NAARESTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with