4 police applicants nameke ng RT-PCR test, kinasuhan
MAGUINDANAO, Philippines — Apat na nag-a-apply sa pagkapulis ang kinasuhan ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-BARMM) matapos na ang kanilang pamemeke sa resulta ng kanilang Reverse Transcription–Polymerase Chain Reaction (RT–PCR) test sa Maguindanao, iniulat kahapon.
Ayon kay PRO-BARMM Brigadier General Eden Ugale, bukod sa apat na police applicants, kinasuhan din ang dalawang sibilyan na sina Jalal Adiong at Abdullah Oga na sinasabing kasabwat ng apat sa pagbuo ng pekeng RT-PCR o swab test results.
Ang kasong falsification of public documents ay isinampang kaso laban sa anim sa Maguindanao Provincial Prosecutor Office.
May 66 na PNP applicants sa BARMM na ang RT-PCR test results ay kaduda-duda kaya’t isinailalim ito sa imbestigasyon at pagsusuri.
Lumabas na apat sa 66 na aplikante ay nagsumite ng fake swab test results. Ang tatlo sa kanila ay nakakulong na habang ang pang-apat na police applicant ay nagpositibo pa sa COVID-19 at ngayon ay nasa Parang District Hospital Quarantine Facility.
Sinabi ni Gen. Ugale na alinsunod sa direktiba ni PNP chief Director Gen. Guillermo Eleazar, dapat patas at malinis ang recruitment process. Wala na ring padri-padrino bilang bahagi ng reporma.
- Latest