^

Probinsiya

Mister tiklo sa P13.6 milyong drug bust

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO , Philippines — Kalaboso ang isang 24-anyos na mister matapos na makuhanan ng P13.6 milyong halaga ng ipinagbabawal na droga sa inilunsad na buy-bust operation ng pulisya sa Purok Gemini, Maharlika Highway Lasang, Davao City.

Kinilala ang nadakip na si Jaber Mangotara Sarangani, residente ng 4512 Jackfruit St., Santo Domingo 2, Sasa, Davao City at pang-lima sa drug list ng pulisya sa lungsod.

Ayon kay P/Brig. Gen. Filmore Escobal, Davao police provincial director, alas-7:59 ng gabi nitong Martes nang magsanib puwersa ang mga elemento ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy-bust operation laban sa suspek.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang jumbo size na shabu na may timbang na 850 gramo at nagkakahalaga sa P13,600,000, isang cell phone at ang RS 150 na motorsiklo na ginagamit nito sa kalakaran ng ilegal na droga.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with