^

Probinsiya

Riders niratrat ng tandem gunmen: 1 dedo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinambac, Camarines Sur - Patay ang isang rider habang sugatan ang kanyang angkas matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem sa kahabaan ng highway ng Zone-8, Brgy. Bagacay ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Napuruhan ng punglo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at agad nasawi ang biktimang si Russel Nolasco Ationdo, 39, habang sugatan ang kasamang si Mark Anthony Solo, pawang residente ng Zone-4.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi ay pauwi na ang mga biktima galing sa bayan ng Calabanga at lulan ng motorsiklo.

Habang binabagtas ang kahabaan ng highway ay biglang sumulpot ang dalawang hindi nakilalang gunmen na lulan ng motorsiklo at walang kaabug-abog na pinagbabaril ang mga biktima.

Naisugod ng mga residente ang mga biktima sa Tinambac Municipal Hospital kung saan idineklarang dead on arrival si Ationdo habang inilipat sa Bicol Medical Center sa Naga City si Solo dahil sa maselang tama ng punglo sa katawan. Inaalam na ang pagkakakilanlan ng gunmen na mabilis na nakatakas patungo sa hindi malamang direksyon.

vuukle comment

DEDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with