^

Probinsiya

7-anyos nag-dive sa ilog, patay!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
7-anyos nag-dive sa ilog, patay!
Walang malay nang matagpuan sa ilalim ng ilog ng mga rumes­pondeng rescuer ng MDRRMO-Iriga City ang biktimang si Jhon Quiel Roque,grade 2 pupil at residente ng Zone-1,Brgy.Sta Cruz. Sa ulat, dakong alas-4:20 ng hapon dumayo ang biktima at mga kalaro na mag-swimming sa naturang ilog.
STAR/ File

IRIGA CITY, Albay, Philippines — Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang 7-anyos na batang lalaki matapos na malunod makaraang tumalon sa ilog mula sa mataas na bahagi ng riles ng tren at tumama sa kanyang kasamang nagsu-swimming sa Francisco River sa Brgy.San Francisco sa lunsod na ito kamakalawa ng hapon.

Walang malay nang matagpuan sa ilalim ng ilog ng mga rumes­pondeng rescuer ng MDRRMO-Iriga City ang biktimang si Jhon Quiel Roque,grade 2 pupil at residente ng Zone-1,Brgy.Sta Cruz. Sa ulat, dakong alas-4:20 ng hapon dumayo ang biktima at mga kalaro na mag-swimming sa naturang ilog.

Gayunman, naengganyo ang bata na mag-dive mula sa mataas na bahagi ng riles ng PNR pero pagbagsak ay tumama siya sa isa sa mga naglalangoy dahilan para hindi na ito muling lumitaw sa ilog. Nabahala ang mga kasama kaya mabilis silang humingi ng saklolo sa mga residente na tumawag naman sa mga rescuer sa bayan.

Nang matagpuan sa ilalim ang biktima ay sinubukang isugod sa Our Lady of Lourdes Hospital pero idineklarang patay.

vuukle comment

MDRRMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with