^

Probinsiya

Preso patay sa gulpi ng kapwa preso

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

GENERAL SANTOS CITY, Philippines — Patay ang rape suspect na preso matapos na pagtulungang gulpihin ng mga kapwa preso sa detention cell ng Police Station 5 (PS-5) ng Ge­neral Santos City, iniulat kahapon.

Kinilala ni Police Major Ananias Vasquez, hepe ng PS5 ang namatay na detinado na si Philip Tacdoro Nocete ng Brgy. Calumpang nitong lungsod na dinakip at nakulong sa kasong attempted rape.

Ayon sa hepe, naaresto si Nocete noong Miyerkules at nakatakda na umano itong sampahan ng kaso subalit natagpuan na lamang na walang malay sa palikuran ng selda. Sinubukan pa siyang isugod sa pinakamalapit na ospital subalit idineklara na itong dead- on-arrival. Pinagtulungan umanong bugbugin ng mga preso na sina Jeffrey Khong Atche, Richard Kevin Delfino Beraque, Charles Charvez Cañeda at Gary Boy Delnorte Gong.

Napag-alaman na mayroon nang unang hidwaan si Nocete sa isa sa mga suspek sanhi ng ginawang pagpatay sa nasabing biktima.

Tiniyak naman ni Vasquez na sasampahan nito ng kaukulang kaso ang mga salarin sa pagkamatay ng nasabing preso.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with