^

Probinsiya

PNP intel, dinakma sa ‘robbery extortion’

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

Peñablanca, Cagayan, Philippines — Dinakip ng kanyang mga kabaro ang isang aktibong miyembro ng Philippine National Police (PNP) na sangkot umano sa robbery extortion matapos ang entrapment operation sa Barangay Camasi nitong Biyernes.

Kinilala ni P/Capt. Rahaina Asala, hepe ng Peñablanca PNP ang nadakip na suspek na si P/SSgt. Arphie Tuliao, 32, residente ng Barangay Callao sa nasabing bayan at kasalukuyang nakatalaga bilang intelligence officer ng Peñablanca PNP.

Ayon sa ulat, nagsagawa umano ng police operation si Tuliao kasama ang dalawa pang pulis na hindi pinangalanan laban sa ilang kalalakihan na nagsasagawa umano ng ilegal na sabong sa kanilang nasasakupan.

Sa halip na hulihin at sampahan ng kaukulang kaso ay pinakawalan umano ang apat sa mga suspek at pinagbabayad ng P40,000 bawat isa para hindi tuluyang makulong o masampahan ng kaso sa korte.

Makalipas ang ilang transaksyon ay naibaba mula P40,000 at naging P12,000 bawat isa na lamang umano ang babayaran ng mga offenders kay Tuliao.

Lingid sa kaalaman suspek ay humingi na pala ng tulong ang mga biktima sa ibang mga operatiba ng pulisya na agad nagsagawa ng entrapment operation matapos mapagkasunduan ng dalawang partido na ibibigay nila ang kanilang mga balanse na bayad nitong Biyernes bilang ka­ragdagan sa P6,000 na unang ibinayad nila kay Tuliao noong April 26.

Hindi na nakapalag ang suspek nang dakpin ng mga awtoridad.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with