Top most wanted sa Cagayan Valley natimbog sa Tondo
BAGUIO CITY, Philippines — Makalipas ang 12 taon na pagtatago sa batas ay nahuli rin ng mga Cagayan Valley police ang top most wanted sa kanilang lalawigan sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang naarestong suspek na si Harold Carabbay, 42, na nahaharap sa kasong murder at attempted murder noong 2009.
Nasukol ng mga operatiba ng Cagayan Valley region police si Carabbay, na tubong Barangay Masi, Pamplona, Cagayan, sa Tondo, Maynila noong Biyernes.
Ayon kay Cagayan Valley police director Brig. Gen. Crizaldo Nieves, may standing warrant of arrest mula sa Regional Trial Court, Branch 12 ng Sanchez Mira, Cagayan mula kay Judge Leo Reyes noon pang August 18, 2009 si Carabbay sa kasong murder at attempted murder.
- Latest