^

Probinsiya

Binata timbog sa higit P.3 million shabu

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Binata timbog sa higit P.3 million shabu
Sa ulat, dakong alas-5:50 ng hapon, kumagat ang suspek sa buy-bust operation na inilatag laban sa kanya ng mga kasapi ng PDEA sa pa­ngunguna ng provincial officer na Agent Dennis Benitez.
STAR/ File

NAGA CITY, Camarines Sur - Kalaboso ang isang 23-anyos na binata matapos na maaresto sa ginawang buy-bust ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at makuhanan ng mahigit P.3 milyong shabu sa kahabaan ng Gianna Street, Zone-4, Brgy. ­Triangulo sa lungsod na ito ­kamakalawa ng hapon. Kinilala ang nada­kip na si John Lambert Lamigo, residente ng Camaligan, nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong alas-5:50 ng hapon, kumagat ang suspek sa buy-bust operation na inilatag laban sa kanya ng mga kasapi ng PDEA sa pa­ngunguna ng provincial officer na Agent Dennis Benitez.

Agad inaresto ang suspek makaraang iabot nito sa poseur buyer ang bini­ling isang malaking sachet ng shabu na tumitimbang ng 50-gramo at nagkakahalaga ng P340,000.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with