^

Probinsiya

SUV vs bike, 1 utas 2 malubha

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Isa ang patay habang nasa malubhang kalagayan ang da­lawang iba pa matapos sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa kasalubong na isang pickup truck sa Brgy. District 2, Benito Soliven ng lalawigang ito, kama­kalawa ng hapon. 

Kinilala ang nasa­wing biktima na si James Agustin, 35, habang nasa kritikal na kalaga­yan sina Randy Mansibang, 39, at John Man­sibang, 31, kapwa empleyado ng isang agricultural supply firm at residente ng Barangay District 1 sa nabanggit na bayan.

Lumalabas na uma­gaw ng linya sa kalsada sa may Brgy. District 2 ang motorsiklong minamaneho ni Agustin sakay ang dalawang iba pang biktima kung kaya’t su­malpok ito sa kasalubong na isang silver na pick-up (NED1715) na mi­namaneho ni Jaime Suguitan, 81, ng Brgy. San Carlos, Benito Soliven.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang tatlong biktima subalit idi­neklarang dead-on-arrival si Agustin habang kahapon ay hindi pa nagkakamalay ang da­lawa nitong kasama.

Nakainom ng alak ang mga biktima nang mangyari ang insidente.

Sumuko naman ang driver ng pick-up na masuwerteng hindi nagtamo ng malubhang sugat ma­tapos sumalpok din ang kanyang SUV sa isang bakal na poste sa gilid ng kalsada. 

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with