^

Probinsiya

Misis utas, 6 sugatan sa banggaan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

STO. DOMINGO, Albay, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang 45-anyos na misis habang anim na iba pa ang isinugod sa pagamutan matapos na magbanggaan ang Mitsubishi Adventure at tricycle sa kahabaan ng national highway sa Purok-4,Brgy. San Isidro ng bayang ito kamaka­lawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City ang biktimang si Lidelina Fernandez Bisco, may-asawa at residente ng Brgy.Maliktay, San Miguel Island Tabaco City.

Sugatan naman ang mga kasamang sina Cardo Calmada Canabal,residente ng Brgy. Sugcad, Malinao, driver ng tricycle, mga pasaherong sina Andrew Canabal,Vicente Bisco at isang 15-anyos na binatilyo habang kasamang isinugod rin sa pagamutan sina Allan Belisario Cestina, 46, driver ng kabanggaang SUV, residente ng Brgy.Payahan, Malinao,mga pasaherong si Ma.Noemi Cao at isang 14-anyos na dalagita.

Sa ulat, alas-10 ng gabi ay magkasalubong na binabagtas ang kahabaan ng highway ng tricycle na minamaneho ni Canabal at ng Mitsubishi Adventure (EBS-970) na minamaneho naman ni Cestina.

Gayunman, pagda­ting sa lugar ay nawalan ng kontrol ang tricycle at biglang napunta sa linya ng kasalubong na SUV dahilan para magbanggaan.

vuukle comment

BANGGAAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with