^

Probinsiya

Kaanak ni Governor Pineda napagkamalang kawatan, bulagta sa parak

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Kaanak ni Governor Pineda napagkamalang kawatan, bulagta sa parak
Sinabi ni Gov. Pineda na iniutos na niya ang pagdisarma kay P/Corporal Eframe Ramirez na nakabaril at nakapatay sa kaanak niyang si Federico “Tek” Pineda, isang obrero at residente sa lugar.
STAR/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Patay ang 29-anyos na kamag-anak ni Pampanga Gov. Dennis Pineda matapos mabaril ng isang pulis nang mapagkamalan nitong magnanakaw sa kasagsagan ng habulan kasunod ng panloloob sa isang computer shop sa Sta. Rita, Pampanga noong Sabado ng gabi.

Sinabi ni Gov. Pineda na iniutos na niya ang pagdisarma kay P/Corporal Eframe Ramirez na nakabaril at nakapatay sa kaanak niyang si Federico “Tek” Pineda, isang obrero at residente sa lugar.

Nabatid na nakasabayan ng biktima sa tinatahak na daan pauwi ang nagaganap na habulan ng pulis na si Ramirez at ang ‘di kilalang magnanakaw na nakasaksak sa mag-asawang may-ari ng computer shop na nilooban sa Sunny Side Subdivision sa Barangay San Matias.

Ayon sa mga kaanak, pauwi noon ang obrero mula sa pagdaraos ng kaarawan ng 7-anyos na anak nang mangyari ang krimen. Bagama’t magkaparehong nakakamisetang puti ang kawatan ng computer shop at biktimang si Pineda, napagkamalan umano ng pulis ang huli na siya ang hinahabol nitong magnanakaw kaya pinaputukan.

Sinabi ng mga saksi, nagawa pang makatakbo palayo ng biktima hanggang sa matumba dahil sa tinamong tama ng bala sa likuran at malagutan ng hininga.

Sumuko naman sa kanyang hepe si Ramirez na ngayon ay isinailalim sa restrictive custody para sa kaukulang pagsisiyasat sa insidente.

Sa opisyal na pahayag ng Central Luzon Police Office (CLPO), sinasabing aksidenteng pumutok ang baril ni Ramirez at sa kasamaang palad ay tinamaan ang obrero na sanhi ng kanyang kamatayan.

Sa follow-up operation ng pulisya, sinabi ni CLPO director Brig. General Valeriano De Leon na nadakip na ang tunay na kawatan ng computer shop na kinilalang si Joven Basera. Nabawi sa suspek ang nakulimbat niyang P6,290 cash mula sa hinoldap nitong computer shop sa Barangay Becuran.

vuukle comment

GOVERNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with