^

Probinsiya

7-anyos dedo sa bundol

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Hindi na na­kasama ng isang 7-anyos na batang la­laki ang kanyang pamil­ya na salubungin ang Bagong Taon makaraang mabundol at masagasaan ng kotse sa Maharlika Highway sa Barangay Mason Norte, dito kamakalawa ng gabi.

Idineklarang dead-on-arrival sa Candela­ria District Hospital dahil sa matinding pinsalang inabot sa katawan at ulo ang biktimang si John Rey Abu-Abu, residente ng Purok 4 ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi habang nasa gilid ng highway ang biktima at nanonood ng nagkakasayahang kapitbahay sa pagsalubong ng Bagong Taon nang biglang tumawid ang bata sa daan para sana makipaglaro sa ibang mga bata subalit hindi nito namalayan ang parating at humahagibis na Suzuki Ertiga na minamaneho ni Kenneth Cala ng Tiaong, Quezon kaya nabundol ang paslit.

Nang tumilapon, nasagasaan pa ang biktima ng kotse.

Nakapiit na sa municipal jail si Cala na nahaharap sa kaukulang kaso.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with