^

Probinsiya

Higit 300 katao inilikas sa panibagong pagbaha

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Higit sa 300 katao ang inilikas ng otoridad bunsod nang pagbaha sa dalawang Barangay sa lungsod na ito simula noong Linggo hanggang kahapon.

Ayon sa Provincial Di­saster Risk Reduction Ma­nagement Office (PDRRMO) sanhi ng patuloy na buhos ng ulang Amihan ang nagpataas sa antas ng Cagayan river sa taas na 7.74 metro upang ilubog ang Capatan Bridge papasok sa Tuguegarao City proper.

Ang mga Barangay ng Annafunan at Balzain east ang pinasok ng tubig baha sanhi upang ilikas ang 325 na katao mula sa 90 na pamilyang dinala sa eva­cuation centers.

Lubog din sa baha at putik ang pitong city roads dagdag ng PDRRMO.

Maliban sa lungsod na ito, lubog din sa baha ang Goran-Cordova overflow bridge sa bayan ng Amulung at ang Calapangan bridge na nag-uugnay sa mga bayan ng Rizal at Lasam.

Hindi na rin madaanan ang Patungan road sa Sta. Ana at ang daan mula sa Barangay Logac, Lasam hanggang Brgy. Gagabutan, Rizal dagdag ng PDRRMO.

vuukle comment

FLOODS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with