^

Probinsiya

193 rebelde sumuko, 14 kuta nakubkob sa Cagayan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

Matapos na ideklara na terorista ang NPA

CAMP MELCHOR F DELA CRUZ, Gamu, Isabela, Philippines — Tuluyan nang humina ang puwersa ng mga teroristang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Cagayan Valley (Region-2) at Cordillera Administrative Region (CAR) matapos mabuwag ang apat na malalaking guerilla front ng mga rebeldeng grupo, ayon sa militar kahapon.

Sinabi ni Army Major Jekyll Julian Dulawan, tagapagsalita ng 5th Infantry Division (5th-ID) na sumasakop sa buong Cagayan Valley at CAR, umabot sa 193 na mi­yembro ng mga rebeldeng NPA na kinabibilangan ng ilang mga matataas nilang opisyal ang nagbalik-loob sa pamahalaan habang 14 nilang kuta sa iba’t ibang lugar ang nabawi ng mga militar simula Enero 2020, sa kabila ng pandemya dulot ng COVID-19.

Sa Focused Military Operations (FMO) ng tropa ng 5ID, matagumpay na nabuwag ng kanilang mga operatiba ang apat na mga pa­ngunahing guerilla front ng mga teroristang rebelde na kinabibilangan ng Southern Front Committee (SFC); Central Front Committee (CFC); Komiteng Larangang Guerilla-Quirino/Nueva Vizcaya (KLG-QNV) ng Komiteng Rehiyon, Cagayan Valley (KRCV) at Komiteng Larangang Gerilya-Ifugao ng Ilocos-Cordillera Regional Committee (ICRC).

Ayon kay Dulawan, malaking tulong ang pagdedeklara ng iba’t ibang local government units (LGUs) sa NPA na “persona non grata” na lalong nagpahina sa kanila matapos mawalan ng suporta mula sa mga sibilyan.

Bukod sa iba’t ibang aramas na isinuko ng mga rebeldo, nakumpiska sa FMO ang 23 pampasabog.

Samantala, pinapurihan ni Major Gen. Laurence Mina, commander ng 5th-ID ang mga nagawa ng Startroopers sa loob ng isang taon.

Inihayag naman ni Governor Manuela Mamba na bibigyan niya ng trabaho sa lokal na pamahalaan ang mga rebeldeng sumuko sa Cagayan.

vuukle comment

CPP

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with