^

Probinsiya

Reso sa Quezon inaprub, nanindigan vs Kaliwa Dam

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matigas na nanindigan ang mga lokal na mambabatas sa Quezon province laban sa pagpapatayo ng kontrobersiyal na Kaliwa Dam nang kanilang ipasa ang isang resolusyon laban sa tinawag nilang “berdugo ng kalikasan” at “nakaumang na panganib” sa mga mamamayan sa kapatagan.

Sa resolusyong inaprubahan ng mayorya ng provincial board ay binigyan nito ng kapangyarihan si Gov. Danilo Suarez na magsagawa ng agarang hakbang upang pigilin ang konstruksyon ng P12-bilyong water supply project sa bayan ng Infanta.

Ipinasa ang resolusyon noong Nob. 27, 2020 ng 11 sa 13 miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa pamumuno ni Vice Gov. Samuel Nantes.

Inihayag ni Gov. Suarez ang nagkakaisang saloobin ng mga mamamayan laban sa iginigiit ng ilang ahensiyang nasyunal na Kaliwa Dam. Aniya, habang siya ang gobernador ng lalawigan ay hindi niya pahihintulutang maitayo ang joint venture project ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System at China Energy Engineering Corp. dahil sa mapanira umano ito sa kalikasan, magtataboy sa karapatan ng mga katutubong daan-taon nang naninirahan sa lugar na pagtatayuan ng proyekto, maliban pa sa panganib na hatid ng dam sa mga mamamayan na nakatira sa mga kapatagan, o low-lying communities.

Nagpahayag din ang mga lider ng Simbahang Katolika sa lalawigan sa pangunguna ni Bishop Bernardino Cortez ng Infanta, ng kanilang pagtutol sa multibillion-peso mega-dam project, at sinabing ang Kaliwa Dam project ay may nakaumang na panganib sa lowland agricultural at fishing communities na may kasaysayan ng flash flooding.

vuukle comment

KALIWA DAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with