^

Probinsiya

Karnaper bulagta sa engkuwentro

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO , Philippines — Bumulagta ang isang carnapper makaraan umanong makipagbarilan sa mga otoridad sa bypass road Catalunan, Pequeño sa Davao City, kahapon ng madaling araw.

Sa isinagawang imbestigayon ng Talomo Police, hinarang ng mga pulis ang suspek na nasa edad 30 ngunit bigla umanong bumunot ng kanyang armas, pasado alas-2:00 ng madaling araw.

Ayon pa kay Major Sean Logronio, hepe ng Talomo Police may nagreklamo sa kanilang opisina tungkol sa ninakaw na motorsiklo kung kaya agad silang nagsagawa ng operasyon hanggang sa maispatan ang suspek sa nasabing lugar. Nagkaroon ng habulan hanggang sa sumemplang ang motorsiklo ng suspek at nawasak naman ang wind shield sa patrol car ng pulisya matapos na paputukan ng suspek.

Narekober sa crime scene ang sari-saring mga ATM cards, maraming klase ng susi, ID, mga gamit, dalawang ORCR ng motorsiklo, maliit na pakete ng shabu at ang ninakaw na motorsiklo.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with