^

Probinsiya

9 na magtatayo ng bahay sa gubat inaresto

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dinakma ng mga otoridad ang siyam na lalaki na nahuling nililimas ang isang protected forest area upang sakupin sa kabundukan ng Brgy.Calaanan, Bongabon, Nueva Ecija,kamakalawa.

Kinilala ni Nueva Ecija Police Director Colonel Marvin Saro ang mga arestado na sina Renato Baltazar, 42, Guillermo Dino, 55, Christian Rega­lario, 28, Romeo Camacho, 29, Richard Carinan, 22, June delos Santos, 42, Vincent Tieño, 58,  Federico Undan, 65 at Ernesto Vigil, 30 pawang mga residente ng Bongabon.

Ayon kay Saro,kasama nila ang mga operatiba ng Protected areas special unit ng Department of Environment and Natural Resources nang mahuli sa akto ang mga mister na nililinis ang lugar at nagtatayo ng kanilang mga barung-barong.

Sinabi ni Saro na pina­igting ng pulisya ang kampanya laban sa squatting at illegal logging bilang tugon sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang nagdaang malawakang pagbaha sa Luzon na isinisisi sa pagka-kalbo ng kagubatan.

vuukle comment

ARESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with