^

Probinsiya

Konsehal pumalag sa raid, utas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Konsehal pumalag sa raid, utas
Napuruhan ng punglo sa katawan at agad namatay ang konsehal na si Argel Hernandez, 56-anyos, may asawa at residente ng nasabing barangay.
STAR/ File

DONSOL, Sorsogon , Philippines — Bulagta ang isang incumbent municipal councilor matapos na pumalag sa inilatag na search warrant operation ng mga pulis sa kanyang bahay dahil sa hinihinalang pag-iingat ng mga armas sa Brgy. Tres Marias ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Napuruhan ng punglo sa katawan at agad namatay ang konsehal na si Argel Hernandez, 56-anyos, may asawa at residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-6:32 ng umaga bitbit ang search warrant na inilabas ni Judge Tobias Arriola, Regional Trial Court Branch 55 may kaugnayan sa pagtatago ng mga hindi lisensyadong baril, sinalakay ng mga kasapi ng Criminal Investigation Detection Group, Regional Intelligence Unit 5, 9th Special Action Batallion, 92nd Special Action Company-Special Action Force, Regional Mobile at Provincial Mobile Force Company ang bahay ni Konsehal Hernandez.

Gayunman, papasok pa lang ng bahay ang mga operatiba ay agad silang pinaputukan umano ng bayaw ng konsehal na kalaunan ay nakilalang si Nomer Pandaan Dacillo sanhi para tamaan ng bala ang ballistic helmet ni Pat. Reycliz Alferez ng 92nd Special Action Company at bahagyang ikinasugat ng mukha ng nasabing pulis.

Bunsod nito, agad gumanti ng putok ang mga operatiba at nasapol ang konsehal.

Narekober sa bahay ni Hernandez ang isang improvised shotgun na kargado ng mga bala, isang kalibre 45 baril na may magazine at lamang limang bala, at isang pang extra magazine para sa cal.45 na kargado ng anim na bala.

vuukle comment

RAID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with