^

Probinsiya

Obispo nagpositibo sa COVID-19, simbahan isinara

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Obispo nagpositibo sa COVID-19, simbahan isinara
Sa social media advisory na ipinalabas ng Dioceses of Ilagan, pinayuhang sumailalim sa 14 days quarantine ang mga nakadaupang palad ng Obispo nitong mga nakaraang araw at pakiramdaman ang sarili sa anumang sintomas ng lagnat, panghihina, pagkati ng lalamunan, pag-ubo, kawalan ng panlasa at pang amoy, pananakit ng kalamnan at pagtatae.
AFP/Andrew Caballero-Reynolds

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Isinailalim sa lockdown mula kahapon ang St. Michael’s Cathedral, ang mga tanggapan sa ilalim ng Diocese of Ilagan at ang Pa­lasyo ng Obispo sa Gamu, Isabela matapos magpositbo ang nakatira roon na si Bishop William Antonio.

Sa social media advisory na ipinalabas ng Dioceses of Ilagan, pinayuhang sumailalim sa 14 days quarantine ang mga nakadaupang palad ng Obispo nitong mga nakaraang araw at pakiramdaman ang sarili sa anumang sintomas ng lagnat, panghihina, pagkati ng lalamunan, pag-ubo, kawalan ng panlasa at pang amoy, pananakit ng kalamnan at pagtatae.

Gayunman, ayon sa pabatid, nananatiling asympto­matic o walang nadaramang sintomas ang lider ng sim­bahan.

Nabatid sa otoridad na nalamang may COVID ang Obispo matapos itong sumailalim sa swab test upang kumuha ng travel pass pauwi sa kanyang probinsiya sa Ilocos region

Bunsod ng pangyayari, inilunsad ng otoridad ang mala­wakang contact tracing upang matukoy kung saan at pa­ano dinapuan ng virus ang Obispo.

Ilang mga Kaparian, kawani at kasambahay sa Bishop’s Palace ang sumailalim din sa quarantine habang isinagawa ang disinfection sa lugar.

Si Bishop Antonio ang ikalawang alagad ng simbahan sa Isabela na kinumpirmang may COVID-19 kasunod ng isang pari na nagpositibo matapos dumalo ng burol at nagbasbas ng patay sa bayan ng Naguilian noong Agosto.

vuukle comment

OBISPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with