^

Probinsiya

61 barangays ng 16 na bayan sa Bulacan, lumubog sa baha

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Iniulat ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) na 61 barangays na sakop ng 16 na bayan sa lalawigang ito ang lumubog sa baha sanhi ng bagyong Ulysses.

Binayo ng napakalakas na hangin at ulan kahapon ng madaling araw at kama­kalawa ng gabi ang buong lalawigan na dinaanan ng mata ng nasabing bagyo pagkatapos nitong mag-land fall sa lalawigan ng Quezon.

Halos 4 na oras na hindi tumigil ang pagbuhos ng ulan at sinabayan pa ng pagpapakawala ng tubig ng 3 dam sa Bulacan, ang Angat, Bustos at Ipo Dam na siyang naging sanhi ng mabilis na pagtaas ng tubig baha.

Tinatayang nasa 3,370 pamilya ang inilikas mula sa 16 na bayan sa lalawigan at dinala sa iba’t ibang eva­cuation centers sa Bulacan.

vuukle comment

ULYSSES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with