^

Probinsiya

Steelman kisay sa construction site

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang 63-anyos na steelman matapos na aksidenteng sumabit ang hawak nitong bakal sa kawad ng kuryente sa isang construction site kahapon ng umaga sa Brgy. Poblacion 10, bayan ng Amadeo, dito.

Hindi na umabot pang buhay sa Ospital ng Tagaytay ang biktima na kinilalang si Edgardo Anacay na taga-Brgy. Salaban, Amadeo, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-9 ng umaga, kasalukuyang abala sa trabaho ang biktima sa construction site at hawak nito ang isang mahabang bakal nang aksidenteng dumikit ang dulo nito sa live wire ng Meralco.

Mabilis na gumapang dito ang boltahe ng kur­yente mula sa poste at pumasok sa katawan ng biktima sanhi upang agad mangisay nang hindi agad makabitaw sa hawak na bakal.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with