Sabungero tumakas sa raid, tumalon sa bangin, patay
INDANG,Cavite, Philippines — Bagama’t naligtasan ng isang sabungero ang mga pulis na sumalakay sa tupadahan ay hindi naman nito nakaligtas sa kamatayan matapos itong tumalon sa bangin sa kanyang pagtakas naganap kamakalawa ng umaga sa Brgy Tambo Malaki ng nasabing bayan.
Ang biktima na namatay noon din sa ibaba ng bangin ay nakilalang si Mary Jun Agsangre Flores, 47, may-asawa, driver, residente ng Brgy. Tambo Kulit.
Sa ulat, bago naganap ang insidente alas-10:45 ng umaga ay nakatanggap ng sumbong ang Indang Police na may nagaganap na tupada sa loob ng Roms Farm.
Agad ikinasa ng pulisya ang isang raid at nang pasukin ang lugar ay naaktuhan na maraming nagsasabong na kung saan at nagpulasan ang mga nagsasabong para tumakas na kung saan ang biktima sa sobrang takot ay napatalon sa bangin na kanyang ikinasawi.
- Latest