^

Probinsiya

Obrero na may dalang pansuweldo, dedo sa holdap

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Namatay noon din ang isang 44-anyos na kawani ng isang construction company matapos pagbabarilin sa harap ng asawa at inagaw ang sling bag na may lamang malaking perang pansuweldo sa mga construction workers naganap kamakalawa ng gabi  sa Sitio Bori, Brgy. Sta. Maria,Presentacion, Camarines Sur.

Ang nasawi ay kinilalang si Ronald Rellora Gadon.Hindi naman sinaktan ang asawang si Lea, pawang residente ng Brgy. San Isidro Sur, Lagonoy.

Sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi lulan ng kanyang motorsiklo ang biktima angkas ang asawa at binabagtas ang kahabaan ng kalsada patungong construction site ng Ferrer Construction nang sila ay harangin ng isang lalaki na armado ng baril at itak.

Bago pa nakakilos ang biktima ay agad siyang binaril sa kaliwang bahagi ng dibdib na agad nitong ikinamatay.

Ayon sa misis ng biktima,bago tumakas ay kinuha ng suspek ang dalang sling bag ng kanyang asawa na naglalaman ng P200-libong piso na pansahod sana sa mga construction workers.

vuukle comment

HOLDAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with