^

Probinsiya

Pastor-contractor sa Bulacan itinumba!

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Pastor-contractor sa Bulacan itinumba!
Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Ramil Castillo,54-anyos, may-asawa at naninirahan sa Brgy. Maginao, San Rafael, Bulacan.
STAR/ File

Niratrat habang nasa construction site

MALOLOS CITY, Bulacan , Philippines —  Katarungan ang sigaw ng pamilya ng isang born again pastor at contractor na itinumba ng dalawang ‘di pa nakikilalang riding-in-tandem noong Lunes ng umaga sa Brgy. San Agustin ng nasabing siyudad.

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Ramil Castillo,54-anyos, may-asawa at naninirahan sa Brgy. Maginao, San Rafael, Bulacan.

Kasalukuyang nasa site ang biktima at tinitig­nan ang nakontrata niyang dalawang palapag na bahay na ipinagagawa ng kanyang churchmate na si Ginang Miguela Tanaka, nang siya ay pagbabarilin.

Dakong alas-9:40 ng umaga nang dumating sa site ang dalawang suspek na kapwa naka-bonnet sakay ng motorsiklo at agad na pinadapa ang anim na trabahador ng bahay at saka mabilis na tinungo ng isang suspek ang ikalawang palapag ng bahay kung saan naroroon ang biktima saka pinaulanan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Matapos na makitang nakabulagta ang pastor, kinuha ng gunman ang sling bag nito na naglalaman ng mga mahahalagang ID saka sila mabilis na tumakas.

vuukle comment

SIYUDAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with