^

Probinsiya

Cebu gov't posibleng kasuhan mga nagmina ng Dolomite na nag-suplay sa Manila Bay

James Relativo - Philstar.com
Cebu gov't posibleng kasuhan mga nagmina ng Dolomite na nag-suplay sa Manila Bay
Binisita ng mga lokal na turistang ito ang dalampasigan ng Manila Bay matapos ibukas ang "white sand beach" nito — bagay na ginawa gamit ang durog na "dolomite" sa Alcoy, Cebu
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Maaaring ihabla sa korte ng pamahalaang panlalawigan ng Cebu ang dalawang minahan na may kinalaman sa pagkuha nila ng "dolomite" sa isa nilang bayan, bagay na ginamit sa kontrobersyal na pekeng white sand sa Manila Bay.

Basahin: Pagtatambak ng 'white sand' sa Manila Bay umarangkada

Ayon kay Cebu provincial board member Jiembo Borgonia, Martes, hindi raw sumunod sa local tax ordinances at requirements ang Philippine Mining Service Corporation (PMSC) at Dolomite Mining Corporation (DMC): "We are on the look on it [kaso] po... kasi itong [PMSC] ay hindi nagbabayad ng local taxes dito sa province of Cebu."

Bukod pa 'yan sa mga diumano'y nasira ng mga kumpanya sa kalikasan dahil sa pag-extract ng dolomite. Wala rin daw waste disposal permit ang PMSC at DMC.

"'Yung conveyor ng DMC o PMSC... 'yung kanilang planta patungo doon sa barge, may open na area kaya through the doon, doon naaanod ang dolomite," sambit ni Borgonia sa Teleradyo.

"May mga marine biologists na magda-dive this afternoon... to take a look kung may epekto ito sa mga isda... 'Yung mga corals, [wala] na sa kanyang natural color kasi... pumuputi na at tska 'yung mga fish cage."

Aniya, kukuha ng mga litrato't videos ang mga dalubhasa para makita kung sanhi talaga ng dolomite ang nangyayari sa kanilang lugar.

Una nang naglabas ng cease and desist order si Cebu Gov. Gwen Garcia para ipahinto ang pagmimina, pagbebenta atbp. ng PMSC at DMC dahil sa sari-saring paglabag.

"'Yung mga fisherman natin di na sila maka-fish within the area. Kailangan nila sa malayo kahit marami naman sanang fishes dun. 'Yung livelihood ng fisherman ay talagang naapektuhan kaya sila ang dumulog nung narinig 'yung issue," dagdag pa ni Borgonia.

Aniya, ilang buwan na raw iginigiit ng legal office ng probinsya na sumunod ang dalawang kumpanya sa pagkuha ng governor's permit at sumunod sa ordinansa ngunit tila iniitsapwera lang daw ito.

Nasa 30-40 taon na raw nag-ooperate ang dalawang kumpanya, at sinasabing maaaring magmina hanggang 2030 sa ilalim ng pinasukang Mining Production Sharing Agreement (MPSA).

Una nang pinangambahan ng ilang grupo na naging sanhi rin ng mga dinurog na dolomite sa Alcoy, Cebu ang mga nangyaring fish kill at pamumuti ng tubig sa Baseco sa Manila Bay, bagay na pinabulaanan ng Department of Environment and Natural Resources.

May kinalaman: Fish kill sa Manila Bay pinangangambahang dulot ng dolomite 'white sand'

Ika-7 ng Setyembre nang iugnay ng Department of Health sa panganib sa kalusugan ang dolomite ngunit binawi rin ito kalaunan.

Duterte sa Manila Bay white sand

Sa kabila ng reklamo ng Cebu province sa mga paglabag sa ordinansa at "pinsala" ng kanilang lugar, tuwang-tuwa naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa kinalabasan ng white sand "rehabilitation" ng Manila Bay.

Aniya, kinaya raw kasing trabahuhin ni Environment Secretary Roy Cimatu ang hamon niyang "linisin" ang look, na nanggigitata sa mataas na fecal coliform level ng tubig. 

"Now, people now are really enjoying the reclaimed area with the white sand maski na papaano," pagmamalaki ni Digong sa kanyang talumpati, Lunes nang gabi.

Basahin: Lack of physical distancing among Manila Bay 'white sand beach' visitors alarms DOH

Gayunpaman, dismayado si Duterte sa mga nagrereklamo hinggil sa proyekto ng DENR na ginastusan ng P350 milyon gobyerno.

"Wala naman talaga tayong magawa. You do it, may masabi sila. You do not do it, may masabi si [Vice President Leni Robedo]. What do you want us to do?" dagdag pa ng pangulo.

Una nang sinabi ni Robredo na nakapagpakain na sana ng 80,000 pamilya ang gobyerno kung ginamit na lang ang pondo ng Manila Bay white sand beach project sa pagbibigay ng P5,000 subsidyo sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

vuukle comment

CEBU

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

MANILA BAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with