Maglola inanod ng mala-tsunaming alon
SULTAN KUDARAT, Philippines — Patuloy na pinaghahanap ng otoridad ang isang maglola matapos anurin umano ng mala-tsunaming alon nitong Martes ng gabi ang dalampasigang bahagi ng Purok Campo Muslim, Barangay Poblacion, Palimbang.
Kinilala ang nawawalang maglola na sina Guinima Odin Adam, 60-anyos at ang kanyang apo na si Haifa Dalimban, 12-anyos kapwa residente ng nasabing lugar.
Ayon kay Palimbang Mayor Teng Kapinan na sa ngayon ay wala pa ring nakikitang anumang senyales sa dalawang nawawala kung saan pahirapan din ang ginagawang pag-rescue ng mga otoridad dahil sa panaka-nakang pagbuhos ng ulan, sanhi ng papalabas na Bagyong Leon.
Hindi bababa sa 25 kabahayan ang winalis ng nasabing ga-bundok na alon sa dalampasigan ng Kampo Muslim sa barangay Poblacion na dulot ng bagyong Leon.
Nasira rin ang ilang mga tulay na nagdudugtong sa Barangay Badiangon at Barangay Poblacion, kapwa sa nasabing bayan dahil din sa flashflood mula sa kabundukan ng Kidapong.
- Latest