^

Probinsiya

Mister umawat sa away ni misis, kritikal

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Malubha ang isang construction worker makaraang masaksak sa tiyan nang pumagitna sa away ng kanyang misis at ka­nilang kapitbahay sa Purok Rosal Uno sa Barangay Dicarma sa lungsod na ito, noong Martes ng gabi.

Nilalapatan ng lunas sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center (PJGMRMC) ang biktimang si Artemio Valenciano, 40-­anyos, habang agad naaresto ang suspek na si Juris Cauitan, 35, bi­nata, jobless at kapit­bahay ng biktima.

Ayon sa ulat ng pu­lisya­, bandang alas-8:30 ng gabi noong Martes, na­nonood ng telebisyon sa kanilang sala ang biktima nang marinig nito ang mainitang pagtatalo ng kanyang misis na si Cherry Lou Valenciano at suspek.

Dahil dito, puma­gitna­ umano ang biktima upang kalmahin ang pagtatalo ng dalawa nang bigla siyang undayan ng saksak sa tiyan ng suspek.

Agad tumakas ang suspek ngunit naaresto rin ng mga pulis na nagpapatrolya habang duguang isinugod sa MV Gallego Cabana­tuan City General Hospital ang bik­tima na ka­launa’y inilipat sa PJGMRMC.

vuukle comment

CONSTRUCTION WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with