^

Probinsiya

Mga residente ng Bulacan, OFWs makikinabang sa itatayong airport

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

BULAKAN, Bulacan, Philippines — Libu-libong residente ng Bulacan at nagbabalik na overseas Filipino workers (OFWs) ang inaasahang makikinabang sa itatayong world class na P734-billion airport sa lalawigang ito.

Ito ay matapos ihayag ng San Miguel Corporation (SMC) na kanila nang sisimulan ang training ng mga lokal na residente para sa itatayo nitong Manila International Airport sa Bulacan na magbibigay ng hanapbuhay sa mga residente at OFWs dito at mula sa mga karatig probinsya.

Ayon kay SMC president and chief operating officer Ramon Ang, bibigyang prayoridad ang mga residente ng Bulacan at Taliptip sa hiring ng workers na gagawin. May 60 residente na ang magsisimula ng kanilang training sa TESDA.

Ang unang batch ng 60 dating residente ng Taliptip ay magsasanay ng mga kurso tulad ng shielded metal arc welding, electrical installation and maintenance, at heavy equipment operations. Ang mga ga-graduate ay ire-refer sa SMC Aerocity na siyang may hawak ng airport development.

Maliban sa mga lokal na residente, bubuksan ng SMC ang mga trabaho para sa mga OFWs na bumabalik sa bansa dahil sa pagbaba ng ekonomiya sa buong mundo bunsod ng COVID-19 pandemic.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with