^

Probinsiya

Masaker sa Kabacan kinondena: 9 na patay

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Masaker sa Kabacan kinondena: 9 na patay
Nilinaw ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. na walang naganap na engkuwentro sa pagitan ng mga pulis, sundalo at ng mga biktima at lu­malabas na kagagawan ito ng ‘di pa kilalang armadong grupo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Mariing kinondena ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. ang naganap na walang habas na pamamaril sa kanyang teritoryo ng ‘di kilalang grupo matapos umakyat na sa 9 ang nasawi kahapon.

Nilinaw ni Guzman na walang naganap na engkuwentro sa pagitan ng mga pulis, sundalo at ng mga biktima at lu­malabas na kagagawan ito ng ‘di pa kilalang armadong grupo.

Pinara umano ng mga suspek ang mga biktima at hiningian pa ng mga ID bago pinagbabaril.

Isa naman ang rido o clan war sa mga anggulong tinututukan ng pulisya sa ngayon na sanhi ng krimen.

Unang naiulat na walo ang nasawi sa insidente subalit kinumpirma ni Kabacan chief of police Major Peter Pinalgan Jr. na tuluyan nang binawian ng buhay ang isa pang biktima sa pamamaril na si Tong Guiman ng Brgy. Aringay.

Ang 9 na biktima na lulan ng mga motorsiklo ay pinagbabaril sa Provincial Road sa tabi ng USM Compound, Kabacan, Cotabato, nitong Sabado ng alas-12:10 ng tanghali.

vuukle comment

MASAKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with