^

Probinsiya

420 kilong ‘botcha’ nasabat, 6 arestado

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
420 kilong �botcha� nasabat, 6 arestado
Dakong alas-10:00 ng gabi nang masabat ng Marilao Inspection Unit ang nasabing mga double dead na baboy na sakay ng Isuzu Refer Van 2019 model sa kahabaan ng Villarica road ng nasabing bayan.
STAR/File

MARILAO, Bulacan, Philippines — Aabot sa 420 kilo ng “botcha” o double dead na baboy ang nakum­piska ng National Meat Inspection Services (NMIS) mula sa anim na kalalakihan sa Barangay Sta. Rosa 1, dito kamakalawa ng gabi

Kinilala ni P/Lt. Col. Dominador Ignacio, ­acting chief of police ng nasabing bayan ang mga naarestong suspek na sina Almer Pao Ob­nimaga; Mark Angelo Bolo Responde; Ojeck Bahilot Salimbaga; Aristeo Aguilar Lorenzo; Aldrin Daganta Dalin at Reynan Bahilot Alfonso, pawang ng brgy. Gu­yong, Sta. Maria, Bulacan at mga empleyado ng Qua­lipeak Livestock Corporation na pag-aari ng isang Thomas Haw na matatagpuan sa Pintong Bato, brgy. Guyong, Sta. Maria, Bulacan.

Dakong alas-10:00 ng gabi nang masabat ng Marilao Inspection Unit ang nasabing mga double dead na baboy na sakay ng Isuzu Refer Van 2019 model sa kahabaan ng Villarica road ng nasabing bayan.

Nang sitahin ng mga otoridad ang anim na suspek ay wala silang maipakitang mga dokumento na pinapayagan ng NMIS na i-transport ang mga nasabing dalang double dead na karne ng baboy na ibibiyahe sana nila sa Metro Manila.

vuukle comment

DOUBLE DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with