^

Probinsiya

Ilang lugar sa Sarangani isinailalim sa lockdown

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Inilagay ng lokal na pamahalaan sa pinakamahigipit na community quarantine ang mga bahagi ng dalawang coas­tal barangay sa Maasim, Sarangani Province.

Ayon kay Maasim Mayor Zyrex Pacquiao, layon nito na mapalawak ang contact tra­cing sa lugar. Kasunod ito ng pagpositibo sa CO­VID-19 ng isang 52-anyos na babaeng overseas Filipino worker sa Barangay Colon na unang kaso sa nasabing bayan.

Ipinahayag ng alkalde na ang Sitio Bo. Site sa Colon ay inilagay sa enhanced community quarantine (ECQ) matapos matukoy bilang critical area sa COVID-19. Ibig sabihin nito ay walang maaaring lumabas sa nasabing lugar hangga’t hindi pa nasisiguro na ligtas ito sa virus.

Ang Purok 4B sa Brgy. Colon pa rin at Sitio San Roque sa Brgy. Malbang ay idineklara bilang containment zones at inilagay sa modified ECQ. Nasa general community quarantine (GCQ) naman ang Sitio Colon Proper sa Brgy. Colon at Malipayon sa Brgy. Malbang.

Ayon kay Pacquiao, para matiyak na nasusunod ang mga quarantine protocols, naglagay ang LGU ng mga checkpoint sa nasabing mga lugar. May mahigit 30 katao na ang kanilang na-traced na close contact sa pas­yenteng dumating noong Hun­yo 21. Nilabag umano kasi ng mga kaanak ang protocol nang bisitahin ng mga ito ang naka-isolate na COVID-19 patient.

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with