^

Probinsiya

15-anyos dalagita itinumba ng tandem

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
15-anyos dalagita itinumba ng tandem
Ayon kay P/Captain Ramil Llarenas, hepe ng Cabugao Police Station, pauwi na sa kanilang tahanan ang biktimang si Fabel Pineda na angkas ng kanyang tiyuhin kasama ang isa pang pinsan nang tambangan sila ng magkaangkas na suspek sa naturang lugar dakong alas-6:30 ng gabi.
STAR/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isang 15-anyos na dalagita na sinasabing biktima ng pangmomolestiya ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem assassins habang lulan ng isang motorsiklo kasama ang da­lawang kaanak sa Brgy. Daclapan, Cabugao, Ilocos Sur noong Huwebes.

Ayon kay P/Captain Ramil Llarenas, hepe ng Cabugao Police Station, pauwi na sa kanilang tahanan ang biktimang si Fabel Pineda na angkas ng kanyang tiyuhin kasama ang isa pang pinsan nang tambangan sila ng magkaangkas na suspek sa naturang lugar dakong alas-6:30 ng gabi.

Isinugod ng mga sumaklolo ang biktima sa isang pribadong ospital kung saan siya idineklarang patay sanhi ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. 

Sinabi ni Llarenas na pinuntirya ng mga berdugo ang dalagita dahil nagsampa siya ng kasong pangmomolestiya laban sa isang tao na hindi muna niya tinukoy habang nagsasagawa pa sila ng follow-up operation. 

vuukle comment

RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with