^

Probinsiya

Single mom hinalay, pinatay!

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Single mom hinalay, pinatay!
Sa report kay Capt. Reynolds Gonzales, hepe ng Diffun Police Station, nagtamo ng palo sa ulo na nakasuot ng palda at pu-ting long sleeve si Abegail Tan, 20, na Grade 11 student sa Rosario National High School at residente ng Brgy. Mabini, Santiago City, Isabela.
STAR/File

Natagpuang naaagnas sa palayan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Brutal na pinatay at pinaniniwalaang hinalay ng mga hindi pa natukoy na salarin ang isang 20-anyos na estudyanteng single mother na natagpuang naaagnas sa isang palayan sa Brgy. Isidro Paredes, Diffun, Quirino noong Sabado.

Sa report kay Capt. Reynolds Gonzales, hepe ng Diffun Police Station, nagtamo ng palo sa ulo na nakasuot ng palda at pu-ting long sleeve si Abegail Tan, 20, na Grade 11 student sa Rosario National High School at residente ng Brgy. Mabini, Santiago City, Isabela. 

Ayon kay Santiago City Police Director Colonel Juan Aggasid, napaulat na nawawala si Tan noon pang Pebrero 17 matapos magpaliban sa eskwela upang alagaan ang may sakit nitong anak na sanggol. Huli siyang nakita sa Barangay Calaocan dakong alas 7:00 ng gabi ng nasabing araw kung saan natagpuang abandonado ang kanyang motorsiklo sa hindi kalayuan, dagdag ni Aggasid.

Nabatid na nangangapa pa ang pulisya kung paano napadpad sa kanilang teritor­yo ang bangkay ng dalaga.

Nilinaw ni Aggasid na hindi kamag-anak ni Santiago City Mayor Joseph Tan ang dalagang biktima.

Isinailalim na sa pagsusuri ng police crime laboratory ang mga labi ni Tan upang matukoy ang sanhi ng kanyang malagim na kamatayan.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with