^

Probinsiya

Negosyante utas sa ambush

Roderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Negosyante utas sa ambush
Sa report, pauwi na sana ang biktima mula sa kanyang sakahan sakay ng minamanehong multicab nang tambangan at ratratin ng mga hindi pa nakikilalang armadong lalaki gamit ang M-16 armalite rifles.
STAR/Edd Gumban

NORTH COTABATO, Philippines — Agad na nasawi ang isang negos­yante matapos na tambangan at pagbabarilin sa Barangay Pandan, South Upi, Maguindanao, iniulat kahapon.

Nakilala ang biktima na si Efren Saydoquis, 51-anyos, may asawa, buy and sale trader at taga-Sitio Bolo ng nabanggit na barangay.

Sa report, pauwi na sana ang biktima mula sa kanyang sakahan sakay ng minamanehong multicab nang tambangan at ratratin ng mga hindi pa nakikilalang armadong lalaki gamit ang M-16 armalite rifles.

Nagtamo ng maraming mga tama ng bala si Saydoquis sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan na dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Alitan sa lupa ang tinitingnang motibo ng mga otoridad sa pagbaril at pagpatay sa biktima.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with