^

Probinsiya

Rider patay, angkas grabe sa bundol

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CALAUAG, Quezon, Philippines - Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang motorcycle rider habang malubhang nasugatan ang kanyang angkas matapos na banggain ng kasalubong na sasakyan sa Maharlika Highway na sakop ng Barangay Sumilang sa bayang ito kamakalawa ng madaling araw. Nabasag ang bungo at nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan si Christian Cemanes, may asawa, ng Brgy. Anahawan sanhi ng kanyang pagkasawi samantalang patuloy na nilalapatan ng lunas sa Calauag District Hospital ang backrider na si Ryan Andes, 29, ng Brgy. Anahawan. 

Sa ulat, alas-12:15 ng madaling araw binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng Maharlika Highway subalit nang nasa harapan na sila ng barangay hall ay bumulaga ang Manila bound na Toyota Avanza (EAA-2981) na minamaneho ni Roberto Yago ng Buhi, Camarines Sur. 

Tumilapon ang motorsiklo sa lakas ng pagkakabangga ng kasalubong na mini MPV.

vuukle comment

CALAUAG DISTRICT HOSPITAL

RYAN ANDES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with