^

Probinsiya

COA official itinumba ng tandem

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
COA official itinumba ng tandem

MANILA, Philippines — Patay ang isang opisyal ng Commission on Audit (COA) ng Maguindanao nang ratratin ng ‘di pa natutukoy na riding-in-tandem habang papauwi sa kanilang taha­nan kasama ang mister na sakay sa kanilang sasakyan na naganap sa likod ng isang mall sa Brgy. Rosario Heights 7 sa Cotabato City kahapon ng tanghali.

Ang nasawing biktima ay si Guiaria Bagundang Akmad, 60-an-yos, provincial auditor ng Maguindanao; habang ligtas naman ang kanyang mister na si Hadji ali Akmad.

Agad namang tumakas ang mga suspek sa ‘di nabatid na direksyon.

Sa salaysay ng mister ng biktima, galing sila sa opisina ng kanyang misis sa compound ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at pauwi na sa kanilang bahay, nang biglang sumulpot ang mga salarin at tinabihan ang kanilang sasakyan at saka pinagbabaril ang biktima pasado alas-11 ng tanghali.

Nakuha pa umanong bumunot ng baril si Hadji at hinabol ng putok ang mga suspek pero may isa pang magkaangkas sa motorsiklo ang nasa kanilang likuran at sila’y pinaputukan.

Nabatid na 9 na taong nanungkulan ang biktima bilang provincial auditor ng COA-Maguindanao.

vuukle comment

COMMISSION ON AUDIT

PATAY

RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with