^

Probinsiya

3 tigok, 4 nasaktan sa aksidente

Cesar Ramirez - Pilipino Star Ngayon

PANGASINAN, Philippines — Tatlo katao ang nasawi samantalang apat na iba pa ang nasaktan sa magkahiwalay na aksidente sa bayan ng San Fabian at Tayug, dito sa lalawigan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasa­wing sina Ruel Ulanday, 32, ng Brgy. Tampac, Aguilar at angkas nitong si Luis Mendoza, 19, ng Brgy. Anolid, Mangaldan at Segundo Baas, 57 ng Brgy. Evangelista, Tayug samantalang ang mga nasaktan ay sina Marlon Nabua, 35 ng Brgy. Tempra Guilig, San Fabian at mga sakay nitong mga binatilyo na sina John Mark, 17, at Cyron, 16-anyos ng Brgy. Binday, San Fabian at Marcelo Suyat Jr. , 23, ng Brgy. Canarem, Natividad.

Base sa pagsisiyasat, lulan ng motorsiklo sina Ulanday at Mendoza na minameneho ng una at binabagtas ang lansangan sa Brgy. Angio, San Fabian nang mag-overtake sanhi upang mahagip ang kasalubong na traysikel ni Nabua kasama sina Dotong at Calimlim.

Isinugod ang mga biktima sa Region I Medical Center sa Dagupan su­balit hindi na umabot nang buhay sina Ulanday at Mendoza.

Samantala, minama­neho naman ni Baas ang kanyang motorsiklo sa Brgy. Carriedo, Tayug nang sakupin ang kanyang linya ni Suyat na lulan ng motorsiklo sanhi ng banggaan. Hindi na umabot nang buhay sa Eastern Pangasinan District Hospital (EPDH) si Baas.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with