^

Probinsiya

Misis na OFW inatado ng selosong mister

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Misis na OFW inatado ng selosong mister
Ang nasawing 28-anyos na biktima ay kinilalang si Denelyn Mara, residente ng Purok Kaunlaran, Brgy. Bukaypait, ng nasabing lugar.
STAR/File

MANILA, Philippines – Patay ang isang misis na overseas Filipino worker (OFW) matapos ataduhin ng taga ng kanyang selosong mister naganap sa Brgy. Dumadalig, Tantangan, South Cotabato, kamakalawa ng umaga.

Ang nasawing 28-anyos na biktima ay kinilalang si Denelyn Mara, residente ng Purok Kaunlaran, Brgy. Bukaypait, ng nasabing lugar.

Nahaharap naman sa kasong parricide ang suspek na si Roel John Mara, 38-anyos.

Sa ulat, dakong alas-8:50 ng umaga, ang biktima ay nasa tahanan ng kanyang mga magulang nang biglang dumating ang mister nito kung saan nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa tungkol sa kanilang pagsasama.

Sa kasagsagan ng pagtatalo ay kumuha ang ginang ng matalim na itak sa kanilang kusina at itinutok ito sa kanyang asawa pero naagaw ng lalaki ang patalim.

Dito ay walang patumanggang pinagtataga ng suspek ang kanyang misis sa iba’t ibang bahagi ng katawan na duguang bumulagta.

Agad namang tumakas ang suspek matapos ang pananaga habang nagawa namang maisugod sa South Cotabato Provincial Hospital ang biktima na idineklarang dead-on-arrival dahil sa matitinding sugat na tinamo.

Nabatid pa na madalas mag-away ang mag-asawa kung saan nais na ng ginang na makipaghiwalay sa kaniyang mister dahil sobra umano itong seloso.

Narekober sa crime scene ang matalas na gulok na ginamit sa krimen habang pinaghahanap ng mga pulis ang nasabing mister na nahaharap sa kasong kriminal.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with