^

Probinsiya

900 pamilya inilikas kay ‘Quiel’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 900 pamilya na biktima ng bagyong Quiel ang nasa mga evacuation centers sa Cagayan Valley at Cordillera.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), matapos na lumabas ang nasabing bagyo noong Sabado ay nag-iwan ito ng anim na patay.

Sa rekord ng NDRRMC, apat sa anim na nasawi ay mula sa lalawigan ng Caga­yan. Dalawa ang nalunod at isa ang nakuryente habang ang dalawa pa ay natabunan matapos gumuho ang kanilang bahay. Nagtalaga naman ng 39 na evacuation centers para sa mga pamil­yang naapektuhan ng bagyo mula sa mga rehiyon ng Cagayan Valley at Cordillera.

Bagama’t wala nang baha sa lalawigan ng Isabela ay pansamantala pa rin na isinara ang ilang tulay para sa road clearing kabilang dito ang Cabisero Otso at Ba­culod sa Ilagan City gayundin ang Barangay Alicaocao ng Cauayan City.

Samantala, pinabula­anan ni Engr. Carlo Ablan ng National Irrigation Administration ang kumalat na balita sa social media na naglabas ng tubig mula sa Magat Dam kaya naging sanhi ito ng pagbaha sa mga kalapit na lugar.

Isa umano itong fake news. Aniya, ang dam ay sarado dahil ang 190.94 meters water level nito ay malayo pa sa spilling level na 193 meters. (Gemma Garcia)

vuukle comment

BAGYONG QUIEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with