^

Probinsiya

Mister arestado sa P.6 milyong droga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bagsak kalaboso ang isang 38-anyos na mister makaraang mahulihan ng P.6 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa Calauan, Laguna nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Laguna Police Provincial Director P/Colonel Eleazar Matta ang nadakip na suspek na si Joel Malipol ng Brgy. San Felix, Sto. Tomas, Batangas.

Ayon kay Matta, nagsagawa ng buy-bust ang Calauan Police Drug Enforcement team laban sa suspek dakong alas-4:40 ng hapon sa Sitio Tamlong, Brgy. Limao. Isang police poseur buyer ang umiskor ng halagang P2,500 na shabu sa suspek na dumating lulan ng kanyang kulay pulang Mitsubishi Pajero (DNF 848). Matapos iabot ang shabu sa buyer, ito ang nagsilbing hudyat upang arestuhin ang suspek na hindi na nakapalag sa insidente.

Nakumpiska sa loob ng sasakyan ng suspek ang 28 sachet ng pinaniniwalaang shabu na nasa P660,000 ang halaga, buy-bust money at mahigit P6,000 cash na pinaniniwalaang pinagbentahan ng droga.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with