^

Probinsiya

4 obrero tiklo sa pot session sa barracks

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Huli sa aktong nagsasagawa ng sha­bu session ang apat na construction worker sa loob mismo ng kanilang barracks sa Brgy. Alulod, Indang, lalawigang ito kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Major Mark Jason Gatdula, hepe ng pulisya rito, ang mga suspek na sina Mario Pesa Landicho, 36-anyos ng Lipa, Batangas; Ronald Casipong, 45, ng Pangil, Laguna; Gilbert Lipnica, 28, ng Pasay City at Enjie Facundo, 30, ng Polangui, Albay; pawang mga stay-in worker sa ginagawang tower.

Sa ulat, alas-9:10 ng gabi nang makatanggap sila ng tawag mula sa ilang concerned citizen na may nakita umano silang nagaganap na illegal drug activity sa loob ng barracks ng mga suspek.

Madalas umanong ginagawa ng mga obrero na mag-shabu muna sa construction site bago sumabak sa kanilang mabigat na trabaho.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with