^

Probinsiya

Sayyaf terrorist utas sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Sayyaf terrorist utas sa encounter
Ayon kay Major John Arvin Encinas, spokesman ng AFP-Western Mindanao Command (AFP-Westmincom), alas–3:40 ng hapon habang nagsasagawa ng law enforcement operations ang tropa ng 2nd Special Forces Battalion (SFB) ng Philippine Army nang kanilang masabat ang mga bandido sanhi ng bakbakan na tumagal ng may 20 minuto at ikinasawi ng isa sa mga terorista na inaalam pa ang pagkakakilanlan.
File

Napaslang ang isang Abu Sayyaf Group (ASG) fighter habang nasakote ang isang babaeng kasamahan matapos makasagupa ang tropa ng mga sundalo ang tinatayang nasa 30 armadong miyembro ng ekstremistang grupo sa Talipao, Sulu kamakalawa.

Ayon kay Major John Arvin Encinas, spokesman ng AFP-Western Mindanao Command (AFP-Westmincom), alas–3:40 ng hapon habang nagsasagawa ng law enforcement operations ang tropa ng 2nd Special Forces Battalion (SFB) ng Philippine Army nang kanilang masabat ang mga bandido sanhi ng bakbakan na tumagal ng may 20 minuto at ikinasawi ng isa sa mga terorista na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Arestado naman sa operasyon si Nursaina Jarad Sani, misis ng isang Abu Sayyaf member na armado ring nakorner ng mga sundalo sa encounter site matapos abandonahin ng mga nagsitakas nilang kasama habang iniinda nito ang tinamong mga sugat sa katawan. Siya ay dinala na ng mga sundalo sa Camp Bautista Station Hospital para malapatan ng lunas.

Narekober sa encounter site ang isang M16 rifle, isang M203 grenade launcher at isang Galil rifle na may M203 grenade laun­cher.

“It is unfortunate that Abu Sayyaf terrorists continue to endanger the lives of their own fa­mily and friends, like Ms. Nursaina. I feel sorry for her that she was abandoned, wounded and helpless during the firefight,” pahayag ni Maj. Gen. Corleto Vinluan Jr., commander ng Joint Task Force (JTF) Sulu.

vuukle comment

AFP

ASG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with