^

Probinsiya

Bagitong pulis todas sa ambush

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Agad na nasawi ang isang bagitong pulis matapos na tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek habang lulan ng kanyang motorsiklo ang biktima sa Sultan Kudarat, Maguindanao noong Linggo ng hapon. 

Kinilala ang biktima na si Patrolman Asraph Pasanda­lan Mato, 31-anyos, nakata­laga sa 1401st Regional Mobile Force Company ng PNP-BARMM, may asawa, at taga-Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Sa inisyal na ulat, pasado ala-1:00 ng hapon habang pauwi ang biktima nang pagsapit nito sa national highway na sakop ng Brgy. Gang ay dinikitan siya motorcycle-riding suspects at agad na pinagbabaril gamit ang cal.45 pistol.

Dahil dito, sumemplang at humandusay ang pulis sa gilid ng kalsada nang tamaan ng bala sa ulo at likod na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Sinisiyasat pa ng pulisya­ ang motibo ng pamamas­lang sa kanilang kabaro at kung sinong mga salarin ang nasa likod nito.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with