^

Probinsiya

Cargo truck vs FX: 6 patay, 3 grabe

Joy Cantos, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Anim katao kabilang ang tatlong miyembro ng isang pamilya ang nasawi habang tatlo pa ang malubhang nasugatan makaraang aksidenteng magbangaan ang isang pampasaherong Tamaraw FX at kasalubong na cargo truck sa kahabaan ng Maharlika Highway, Gumaca, Quezon nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jimmy Bron, 42; misis nitong si Razel, anak na si JM Bron, at Emmanuel Juel Sagrit; pawang dead-on-the-spot sa insidente samantalang dead-on-arrival sa Gumaca District Hospital si Franciso Joel Butardo at nasawi habang nilalapatan ng lunas si Ulpiano Clores.

Ginagamot naman sa ospital ang mga nasuga­tan na sina Fatima Jade Butardo, Eda Butardo at Fritchie Joyce Butardo; pawang mga pasahero ng Tamarax FX (WTB 323).

Sa report ng Quezon Police, bandang alas-5:45 ng umaga kasalu­kuyang minamaho ni Jimmy Bron ang Tamaraw FX sakay ang 8 katao kabilang ang mag-ina nang makabanggaan ang kasalubong na cargo truck (070109) na minamaneho ni Gerome Villar na patu­ngong Manila.

Lumalabas sa imbestigasyon na nakaidlip ang driver ng FX kung saan nagpagewang-ge­wang ang takbo nito hanggang sa sumalpok sa cargo truck.

Sa lakas ng pagka­ka­bangga, nagtamo ng ma­lulubhang pinsala sa katawan ang mga biktima na agarang ikinasawi ng lima sa kanila.

vuukle comment

ROAD MISHAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with